ESTUDYANTE
May isang batang ipinanganak sa Doña na itago natin sa pangalang "leng". Anim silang magkakapatid, nag iisa lang siyang babae at siya na ang bunso. Nakapagtapos na ng pag aaral ang kaniyang mga kapatid at siya nalang ang nag aaral. Hindi siya katalinuhan pero ni minsan hindi siya bumagsak sa kaniyang mga asignatura. Graduate na siya ng highschool at dahil inabutan siya ng K-12, sa halip na college na siya ay Grade 11 palang siya sa pasukan. Nung nalaman niya iyon ay ayaw niya ng mag aral dahil madadagdagan pa ng dalawang taon ang pag aaral niya. Pero dahil para sa kaniya din naman iyon, nag aral siyang mabuti dahil madami siyang pangarap para sa kaniyang sarili lalo na sa kaniyang pamilya. Gusto niyang mag travel, makabili ng mga gusto niya na di niya nabibili dahil wala pa siyang trabaho at ang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.
ABM ang kinuha niyang kurso dahil gusto niyang maging business woman at gusto niyang maging psychology. Naging matagumpay naman ang kaniyang napili lalo na't napunta siya sa isang section na puno ng kasiyahan, kalungkutan at kaguluhan na lalong nakapag painspire sa kaniyang mag aral ng mabuti, dagdagan pa ng adviser na makulit, masayahin at handang patawarin kami sa mga nagagawa naming kasalanan.
Ngayon ay patuloy parin siyang nag aaral nang mabuti at patuloy na nangangarap para sa kaniyang pamilya. Di ko sinasabing kwento ko to, pero parang ganon na nga.
Comments
Post a Comment