TEKSTONG PERSWEYSIBO

                                                    Legal ang illegal

 Sa panahon ngayon, marami ang nagkakasakit dahil na rin sa pagkakapa
baya sa mga sarili. Mga sakit na minsan walang mga lunas.May mga sakit na ang lunas lang ay ang ipinagbabawal na marijuana. Ano nga ba ang marijuana? Ito ay isang klase ng droga na maaaring makasira sa ating katawan. Ngunit ang iba ay sinasabi na ito ay gamot sa kanilang mga sakit. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa ating bansa kung kaya't ang iba ay pumupunta pa sa ibang bansa na kung saan ang marijuana ay legal na gamitin.
Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo Albano ||| ang house bill No. 4477 ay naglalayong gawing legal ang marijuana panggamot sa sakit na wala pang lunas. Ngunit ang pagiging legal ng marijuana ay di malayong samantalahin ng mga adik sa droga. Hindi naman natin sila mababantayan isa isa kapag sila ay gagamit nito. Lalo na ang mga kabataan na naaadik na dito. Paano kung may magpanggap na siya ay may sakit para makagamit ng marijuana. Kaya't mas maganda pang wag nalang itong gawing legal upang hindi matukso ang iba na abusuhin ang pagkalegal nito. Dahil una palang naman ay wala ng madudulot na maganda sa atin ang drogang ito. Marami namang pwedeng daan upang magamot ang inyong mga sakit. HINDI MARIJUANA ANG SOLUSYON sa mga sakit na dadapo sa atin. Siguro ay sapat na itong dahilan upang hindi pahintulutan na gawing legal ang illigal kahit ito ay may medicinal value.

Comments

Popular posts from this blog