TEKSTONG IMPORMATIBO

                                                        Population Growth

Nakakabahala ang problemang ito ng lumolobong populasyon ng pilipinas. Sa pag aaral ng National Statistics Office (NSO) lumilitaw ang rate of natural increase ng pilipinas sa porsyentong 2.1. Malaki ang population Growth rate na ito para sa isang maliit at pobreng bansa tulad ng pilipinas.
Population Growth? Ano nga ba ang population growth o sa tagalog ay pag lawak ng populasyon. Ito ay patuloy na pagdami ng tao sa isang bansa.
Maraming kakambal na problema ang malaking populasyon. Una na rito ang kahirapa  na nararanasan ng ating bansa. Dumarami ang tao sa Pilipinas dahil sa mga kabataang maagang nabubuntis, nag aasawa na walang masiyadong kaalaman tungkol sa family planning at sa mga pamilya na walang family planning. Nangyayari ito kapag ang isang pamilys ay hindi nagplano para sa kanilang kinabukasan. Habang dumadagdag ang bilang nila sa isang pamilya lumalaki rin ang populasyon sa ating bansa. Ang ibang pamilya ay hindi na napag aaral ang mga anak nang dahil sa dami nito at sa kawalan ng pinansyal para makapag aral ang kanilang mga anak. kawalan ng tamang edukasyon at dahil doon bumababa ang posibilidad na makahanap sila ng magandang trabaho. Ngayon palang ay nararamdaman na natin ng problemang ito.
Tunay na napakaseryosong problema ang paglawak ng populasyon. Upang maiwasan ang ganitong problema dapat tayong mag isip nang mabuti sa lahat ng bagay na ating gagawin. Sumama sa mga seminar tungkol sa family planning at makinig nang mabuti upang malaman kung ano ba ang mga dapat gawin o hindi dapat gawin. Ito ay iapply sa ating mga sarili dahil napakahalagang pagtuunan ito ng pansin at maagang at maagang maagapan. Hindi lang tayo ang makikinabang kundi ang kinabukasan din ng mga batang susunod sa atin.

Comments

Popular posts from this blog

TEKSTONG PERSWEYSIBO